Filipina tennis star Alex Eala's Wimbledon campaign is over after she and Eva Lys lost in the doubles to Ingrid Martens and Quinn Gleason, 4-6, 2-6.

Tapos na ang Wimbledon campaign ng Pinay tennis star na si Alex Eala.

Ito ay matapos na matalo siya sa doubles kasama si Eva Lys nila Ingrid Martens at Quinn Gleason sa iskor na 4-6, 2-6.

Ang kanyang pagkatalo ay dumating ilang araw matapos siyang matalo sa unang round ng nasabing torneo sa defending singles champion na si Barbora Krejcikova.

Sa kabila ng kanyang pagkatalo, gumawa ng kasaysayan si Eala sa pagiging nag-iisang Pinay na naglaro sa Wimbledon.