LEGAZPI CITY – Naglunsad ang Albay Provincial and Information center ng book pantry para sa mga mahihilig na magbasa ng libro.

Ayon kay Albay Provincial Librarian Amelyn Bautista, simula kahapon hanggang sa Biyernes ay pwedeng pumunta sa kanilang tanggapan sa Peñarada Park upang magbasa at kumuha ng libro.

Libreng ipinamimigay ng tanggapan ang mga second hand na libro upang mapakinabangan pa ng mga estudyante at ng mga mahilig magbasa.

Sa mga gusto na makakuha nito ay kailangan lang na pumunta ng personal sa kanilang tanggapan.

Sa ngayon ay maraming mga libre ang naipamigay na ng tanggapan na karamihan ay napupunta sa mga day care centers at mga barangay na nagtatayo ng sariling library.