LEGAZPI CITY-Nakapagrehistro ng ash emission event ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) mula sa bulkang Mayon ngayong araw ng Sabado, Oktubre 17, 2026, pasado alas 11:00 ng umaga.
Base sa kuha ng sped-up camera footages ng ahensya, nagkaroon ng pagbuga ng abo sa crater nito.
An nasabing aktibidad ay nakapagtala ng “grayish to brownish plume” na umabot ng 400 meters sa ibabaw ng summit crater ng Bulkan bago ito bumaba patungong silangang bahagi ng bulkan.
Samantala, nananatili pa rin sa Alert Level 2 ang bulkang Mayon at mahigpit pa rin na ipinagbabawal ang pagpasok sa 6-km Permanent Danger Zone mula rito.










