LEGAZPI CITY-Dinipensa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang appointment ni Lino Cayetano bilang bagong kalihim ng Presidential Communications Office.
Si Cayetano ang ika-anim na PCO secretary sa apat na taon na panunungkulan ni Pangulong Marcos.
Pinalitan naman niya si Sec. Dave Gomez.
Paliwanag ng Pangulo kung bakit nagkaroon ng rigodon ito ay dahil patuloy ang pagbabago sa communication landscape kaya may pangangailangan ding iakma ang pinuno ng pco base sa kailangang mga pagbabago ng diskarte.
Kumpiyansa ang Pangulo sa pamumuno ni cayetano sa pco ay mas makararating nang mabilis, tama at napapanahon sa publiko ang mga programa at mensahe ng administrasyon.











