LEGAZPI CITY- Mahigpit ang isinasagawang aksyon ng Police Regional Office 5 upang madakip ang dalawang suspek sa likod ng pamamaril sa isang media personality sa Albay.
Matatandaan na binawin ng buhay si Adrian “Golden Boy” Loterte matapos itong barilin sa Daraga, Albay, hapon nitong Oktubre 12.
Ayon kay PRO 5 Director PBGen. Randy Glenn Silvio na kumikilos ang kanilang mga tauhan sa ground upang matukoy ang mga salarin.
Kabilang sa mga tinitingnan na anggulo ng mga otoridad ay ang trabaho ng biktima, o posibleng may kinalaman sa negosyo o personal.
Samantala, isinapubliko na rin ng PNP Bicol ang larawan ng riding in tandem suspect at nanawagan sa publiko na agad ipagbigay alam sa mga otoridad kung batid ang pagkakakilanlan ng mga ito.











