Sa pagpapatuloy ng ikatlong araw ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte ay kinuwestyon ni Senator-Judge Alan Peter Cayetano ang umano’y hindi pakikipag-ugnayan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Presidential Security Group (PSG).
Ito ay upang kumpirmahin sana kung mayroon talagang banta sa buhay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bago magsagawa ng pagsisiyasat.
May kaugnayan pa rin ito sa umano’y grave threat ng bise presidente kay Pangulong Marcos.
Matatandaan na ang Presidential Security Group (PSG) ang pangunahing nagpo-protekta sa pinakamataas na opisyal ng bansa, partikular ang pangulo at p angalawang pangulo.
Bilang tugon, sinabi ni NBI Senior Agent John Mark Calilung na nagsagawa na sila ng imbestigasyon dahil mayroong opisyal na deklarasuon mula sa National Security Council (NSC) na mayroong active threat.











