LEGAZPI CITY-Nagpaalala ang Department of Education (DepEd) na mahigpit na ipinagbabawal ang bomb threats at pagdadala ng mga deadly weapon sa loob ng paaralan.

Kabilang ito sa pinakamabibigat na paglabag o third-level offenses sa ilalim ng bagong Guidelines Ensuring a Safe and Motivating Learning Environment ng ahensya.

Sa ilalim bagong alituntuning nito, kung mapatutunayang sangkot ang mga mag-aaral sa bomb threats, pagdadala ng baril, pampasabog, ilegal na droga, at iba pang mabibigat na paglabag, ay maaaring hindi na payagang makapag-enroll pa sa susunod na school year o tuluyang maalis sa paaralan.

Ayon kay Education Secretary Sonny Angara na hindi papayagan ng kagawaran ang anumang banta sa kaligtasan ng mga mag-aaral at nananatiling prayoridad ang pagpapanatiling ligtas at mapayapa sa mga paaralan.