Nahuli na ng mga otoridad ang mga suspek sa naganap na shooting incident sa San Jose National High School.
Kinumpirma ng mga otoridad na tatlo katao ang patay habang lima naman ang sugatan.
Ayon sa paunang impormasyon na kapwa mag-aaral rin ng naturang paaralan ang mga suspek sa pamamaril.
Kaugnay nito ay suspendido na nag klase sa San Jose Central School, Manlupi Elementary School at San Jose National High School dahil sa nangyaring insidente.
Samantala, kinondena naman ng Department of Education Regional Office 8 ang naturang pamamaril kasabay ng pagpapahayag ng pagkabahala sa insidente.
Nagpapatuloy naman ngayon ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad.











