LEGAZPI CITY-Pinatalsik sa House of Representatives si Cavite Representative Kiko Barzaga.
Ito ay sa botong 265-14 at walong abstention, napatalsik ng Mababang Kapulungan si Barzaga dahil sa “gross misconduct and conduct unbecoming a lawmaker”.
Ayon kay 4Ps Rep. at head ng ethics committee na si JC Abalos, si Barzaga ay sangkot sa “highly disruptive, discourteous, and disorderly behavior na direktang humahadlang sa mga sesyon ng plenaryo at lumapastangan sa solemnity ng parlamento”.
Sinabi rin Abalos na kabilang din sa mga paglabag na isinagawa ni Barzaga, ay ang paulit-ulit na pag-abala sa mga sesyon ng plenaryo, pagkakaroon ng malakas outbusrts, pag-abala sa mga miyembro ng Kamara habang gumagawa ng lehislatura, at ang pangungutya sa pamunuan ng Kamara.
Si Barzaga ay anak ng matagal nang kongresista na si Elpidio Barzaga Jr., siya ang pumalit sa kanyang yumaong ama bilang kinatawan ng ika-4 na Distrito ng Cavite.











