LEGAZPI CITY- Hindi lamang isa, hindi dalawa, kundi limang gold medals at isang silver ang nai-ambag ng swim prodigy na si Riley Maddeleign Alindogan para sa Bicol region sa nagpapatuloy na Palarong Pambansa sa Agusan del Sur.
Simula kahapon ay nakapagbulsa na si Alindogan ng apat na individual gold medals at isang gold medal sa mixed relay.
Nangibabaw ito sa 200 meter individual medley at 200 meter freestyle sa elementary girls’ division na ginanap ngayong araw.
Nasungkit rin nito ang silver medal sa 50 meter breaststroke.
Ang Grade 6 student na si Alindogan ay mula sa lungsod ng Legazpi sa lalawigan ng Albay.











