LEGAZPI CITY- Mahigpit na naka-monitor ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology sa iba pang mga banta na dala ng aktibidad ng Bulkang Mayon.
Ayon kay Mayon Observatory Resident Volcanologist Doreen Abelinde sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na nagpapatuloy ang mabagal na paglabas ng lava mula sa bulkan.
Kabilang sa mga binabantayan ngayon ay ang banta ng lahar flow lalo na kung magkakaroon ng mga pag-ulan sa lalawigan.
Sinabi ng opisyal na kahit moderate rains lamang ang maranasan sa lalawigan ay maaari na itong makapag trigger ng mudflow at hyperconcentrated flow.
Paliwanag ni Abelinde na dahil sa dami ng volume ng ibinugang volcanic materials ng bulkan, halos kalahati nito ay readily erodable deposits na.
Partikular na pinaghahanda sa banta ng lahar ang Barangay Mi-si sa bayan ng Daraga at iba pang mga barangay na malapit sa channels ng bulkan.











