Pinapayagan ang mga guro sa Singapore na paluin ang kanilang mga estudyante sa ilang mga pagkakataon, bilang panibagong hakbang sa paglutas sa bullying.
Ang naturang hakbang ay paraan upang madisiplina ang mga mag-aaral.
Nabatid na sa edad na 9-anyos ay maaaring gumamit ng pamalo ang guro kung kinakailangan.
Samantala, nilinaw naman ni Singapore education minister Desmond Lee na kinakailangan pa rin na sumunod sa ilang mga polisiya upang masiguro na hindi naman maaabuso ang mga bata, kung saan ang otorisadong guro lamang ang maaaring magsagawa ng pag-palo sa estudyate.
Ang naturang hakbang ay inaprubahan ng mga principal at ilang school administration bilang pamamaraan ng pagdidisiplina.











