
LEGAZPI CITY-Ipinagliban ni US President Donald Trump ang mga pagatake sa Iranian power plants at energy infrastructure ng limang araw matapos ang produktibong pag-uusap sa Tehran hinggil sa isang ganap na resolusyon sa labanan sa Gitnang Silangan.
Ayon pa kay Trump, iniutos na niya sa Department of War ang pagpapaliban sa mga pag-atake sa Iranian power plants.
Matatandaan na noong Sabado ay nagbigay ng kaukulang 48 hours ang US para buksan ng Iran an Strait of Hormuz sa lahat ng barko at nagbanta na aatakihin ang mga power plant ng Iran.
Matatandaan rin na isinara ng Iran ang Strait of Hormuz, na isang transit point para sa one-fifth oil supplies sa buong mundo, bilang retaliation sa mga pagatake.
Kasunod nito nagbabala rin ang Tehran ng mga pagatake sa mga energy facilities ng Israel at Gulf countries, kasama rin ang power plants sa lahat ng rehiyon na sumusuplay sa US bases.










