An economist warned that inflation could exceed the target range of the Central Bank of the Philippines this year due to the continuous rise in oil prices in the world market.

LEGAZPI CITY – Patuloy na nakabantay ang ilang mambabatas sa epekto sa Pilipinas ng tumitinding tensyon sa Gitnang Silangan lalo na sa food security.

Ayon kay Ako Bicol Partylist Representative Alfredo Garbin Jr. sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, ang kahilingan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bigyan kapangyarihang suspindihin ang excise tax sa gasolina ay umuusad na upang magbigay ng ginhawa sa sektor ng transportasyon at upang maiwasan ang pagpatong sa mga presyo ng mga bilihin.

Ipinunto niya na kailangan ng mga magsasaka ang gasolina at krudo sa kanilang food production mula sa pagtatanim hanggang sa paghahatid sa pampublikong merkado kaya napakahalaga ng suspensyon ng excise tax at pamamahagi ng fuel subsidy ng gobyerno.

Tinitiyak din niya na tumugon ang Mababang Kapulungan batay sa mandato nito at pangangailangan ng mga tao habang umaasa na ang panukalang batas ay maihahatid sa tanggapan ng Pangulo at mapirmahan na bago ang holy week.

Ibinahagi rin ng opisyal na tinitingnan na ngayon ng Mababang Kapulungan at ng Department of Energy ang posibilidad ng pag-angkat ng langis mula sa Russia upang hindi mabigatan ang mga Pilipino sa mataas na presyo ng mga produktong petrolyo na dulot ng digmaan sa Gitnang Silangan.

Nanawagan din si Garbin sa publiko na huwag nang ituloy ang kanilang lakad lalo na kung hindi naman ito mahalaga at magtipid sa kuryente na makakatulong sa panawagan ng gobyerno para sa energy conservation.