LEGAZPI CITY-Sinabi ni Israel Defense MinisterKatz na pinatay ng Israel ang intelligence minister ng Iran na si Esmaeil Khatib.
Hindi pa rin nagkokomento o kinumpirma ng Tehran ang pag-atake tungkol rito.
Kung makumpirma ang pahayag ng Defense Minister ng Israel, ito na umano ang ikatlong pagpatay sa mga matataas na pinuno ng Iran sa loob ng dalawang araw.
Matatandaang napatay rin noong Martes, Marso 17, dahil sa air strikes ng Israel si Iranian security chief Ali Larijani at Gholamreza Soleimani na namumuno sa Basij paramilitary force.











