The Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) recorded the highest sulfur dioxide emission of Volcano Mayon in the past 15 years.

LEGAZPI CITY – Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang pinakamataas na sulfur dioxide emission ng Bulkang Mayon sa nakalipas na 15 taon.

Ayon kay PHIVOLCS Volcano Monitoring and Eruption Prediction Division Chief Mariton Bornas sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na nitong mga nakaraang araw, umabot sa 6,569 tonelada ng sulfur dioxide emissions ang inilabas mula sa plume ng bulkan.

Nagpalabas na sila ng advisory upang bigyan ng babala ang mga residente sa posibilidad ng lava fountaining o moderately explosive eruption, lalo nang nakikita ang pagtaas ng tyansa nito sa mga darating na araw.

Idinagdag din ng opisyal na ang tahimik na pagbuga ng lava ng Bulkang Mayon ay patuloy na nagdudulot ng lava flow, rockfall, at pyroclastic density current o uson sa Miisi, Bonga at Basud Gullies.

Sa kasalukuyan, nananatiling malaya ang pagbuga ng magma mula sa bunganga kaya wala silang naitala na anumang volcanic earthquakes nitong mga nakaraang araw habang ang alert level status ay nananatili sa level 3.

Binigyang-diin ni Bornas na kung sakaling magkaroon ng pagsabog ng Bulkang Mayon, maaaring sumipa ang mga minomonitor na parametro ay gaya ng pagpalo sa 10,000 tonelada bawat araw ng sulfur dioxide emission na katulad ng pagsabog nito noong 2000 at 2001.