LEGAZPI CITY- Umakyat pa sa 222 ang volcanic earthquakes na naitala sa bulkang Mayon sa nakalipas na magdamag.
Batay sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ay nagkaroon rin ng nasa 317 rockfall events at 63 pyroclastic density currents.
Nagpapatuloy rin ang pagbuga ng lava dome ay lava flow.
Nabatid na naitala rin ang panaka-naka na mahinang strombolian activity sa bulkang Mayon.
Sa kasalukuyan ay mahigpit pa rin ang isinasagawang monitoring sa bulkan na kasalukuyang nananatili sa alert level 3.









