LEGAZPI CITY- Siniguro ng Department of Agriculture ang patuloy na pagsuporta ng pamahalaan sa pagbangon ng sektor ng agrikultura sa Bicol region matapos ang naging epekto ng nakalipas na mga sama ng panahon.
Ayon kay Department of Agriculture Assistant Secretary for Operation U- Nichols Manalo sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na kabilang sa mga pinaka naapektuhan ay ang mga lalawigan ng Camarines Sur, Catanduanes at Albay.
Aniya tinatayang nasa P3.7 billion ang pinsala ng nakalipas na bagyong Uwan sa sektror ng agrikultura at imprastruktura.
Sa naturang halaga ay 30% ang pinsala sa coconut industry partikular na sa Camarines Sur habang ang industriya naman ng abaca ang pinaka napinsala sa bahagi ng Catanduanes.
Sa kasalukuyan ay nasa recovery stage na umano ang mga lalawigan.
Dagdag pa ni Manalo na mayroon na naka preposition na mga farm inputs tulad ng mga binhi, mga pataba, machineries at iba pa para sa mga apektadong mga magsasaka.











