LEGAZPI CITY-Nalunod ang isang 2-anyos na bata sa isang dagat habang naliligo at naglalaro sa Purok 2-B Barangay Lamba sa Legazpi City.

Ayon kay Rose-ann Serrano, residente ng nasabing Barangay, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, na nakita niya ang 2-anyos na batang lalaki na bitbit ng kanyang 9-anyos na kapatid matapos itong malunod sa dagat habang lumalangoy at naliligo.


Sinabi rin niya na nasa high tide ang dagat noong mangyari ang insidente.


Nang makita niya ang bata, wala umano itong malay at kulay violet na ang katawan nito.


Ilan pang residente ang agad na nagtulong na agad namang na-revive ng mga awtoridad ang bata at isinugod ito sa kalapit na ospital.


Sa ngayon, ligtas na ang bata at patuloy na binabantayan ng ibang residente ang kanilang mga anak sa nasabing dagat sa lugar.


Mayroon ding mga insidente ng pagkalunod sa lugar sa mga nakaraang taon, ngunit ito ang unang pagkakataon na mayroong nalunod sa lugar ngayong taon.