Arrested
Arrested

LEGAZPI CITY-Inaresto ng mga awtoridad ang isang 43-anyos na babae na si alyas ‘Jonalyn’, isang utility clerk sa isang paaralan at residente ng Barangay 24 Legazpi City.

Ayon kay Police Executive Master Sergeant Carlos Paña ng Legazpi City Police Station, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, naaresto ang suspek sa buy-bust operation sa nasabing lugar at narekober sa kanya ang 0.8 gramo ng iligal na droga na nagkakahalaga ng P5,540.

Sa operasyon ng isa nilang asset, naaresto ang suspek na naglabag sa Republic Act No. 9165 partikular sa Section 5 dahil sa pagbebenta nito.

Ang kanyang kaso ay kasalukuyang pinoproseso at ang halaga ng piyansa ay depende sa gramo na nabili at sa desisyon ng piskalya.

Nagbabala rin ang opisyal sa mga sumusubok na gumamit at magbenta ng ilegal na droga, na itigil na dahil may ipinatutupad na batas hinggil dito.