Isang kakaibang insidente sa isang konsiyerto ng British band na Coldplay sa Boston noong Hulyo 16, ang nakakuha ng atensyon matapos mahuli ng isang “kiss cam” ang dalawang executive ng kumpanya na sinasabing sangkot sa isang lihim na relasyon.
Ang lalaking kinilalang si Andy Byron, ang Chief Executive Officer ng Astronomer, ay nakitang nakayakap sa likod ng Chief Human Resources Officer na si Kristin Cabot, na nakahawak din sa kanyang mga kamay na parang tunay na magkasintahan.
Nang makita sila sa big screen, sinabi ng lead vocalist na si Chris Martin, “Oh, look at these two.”
Mabilis na tinakpan ni Cabot ang kanyang mukha at umiwas ng tingin sa camera.
Si Byron naman, umiwas ng tingin sa camera at umupo, winawagayway ang mga kamay at dumistansya sa frame.
Sabi ni Martin, baka may affiar sila o nahihiya lang.
Gayunpaman, mabilis na nag-viral ang video sa social media, kung saan nag-udyok ito ng maraming talakayan.
Ang isa pang ulat ay ang asawa ni Byron ay binura ang kanyang apelyido sa Facebook pagkatapos ng insidente.
Wala pang pahayag na nakalabas na sina Byron at Cabot sa insidente.
Gayunpaman, sinimulan na ito ng mga netizens at tinawag itong smokescreen kapag naglalaro ng apoy.