Actress Gretchen Barretto denied her alleged involvement in the missing sabangeros after she was identified as a suspect in the incident.

Itinanggi ng aktres na si Gretchen Barretto ang umano’y pagkakasangkot niya sa mga nawawalang sabungero matapos siyang matukoy na suspek sa insidente.

Ayon kay Atty. Alma Mallonga, legal counsel ni Barretto, na isa lamang ang kanyang kliyente sa 20 investors na tinatawag na alpha member sa e-sabong operations.

Kahapon, sinabi ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla na sina Barretto at negosyanteng si Atong Ang ay ikinokonsiderang suspek sa kaso at kailangang imbestigahan.

Ito ay matapos aminin ng isa sa mga akusado na si Julie “Dondon” Patidongan, alyas Totoy, na si Ang ang itinuturong utak ng mga pagdukot at maging ang aktres ay alam ang nangyari.