LEGAZPI CITY- Agad na nilapatan ng paunang lunas ng mga kinauukulan ang isang lalaki na nahulog sa ikalawang palapag ng isang construction site sa Barangay Mahaba sa lungsod ng Ligao.
Pinaniniwalaang nagtamo ng spine injury ang biktima dahil sa pagkakahulog nito.
Sa kasalukuyan ay mahigpit rin na binabantayan ang kalayagan ng naturang lalaki.
Hindi naman malinaw sa ngayon kung ano ang dahilan ng pagkakahulog ng naturang biktima, na patuloy na iniimbestigahan sa kasalukuyan.