LEGAZPI CITY- Bumisita na si Sorsogon Governor Boboy Hamor sa ilang mga lugar na naapektuhan ng nangyaring phreatic eruption sa bulkang Bulusan.
Nabatid na naapektuhan ng ashfall ang ilang bahagi ng mga bayan ng Juban at Irosin.
Matatandaan na kaninang madaling araw ay nabigla ang mga residente nang marinig ang malakas na dagungdong mula sa Bulusan volcano.
Nagpaalala naman ang mga kinauukulan sa mga residente ng ibayong pag-iingat at pagsusuot ng face mask lalo na sa mga lugar na naapektuhan ng pagbagsak ng abo mula sa bulkan.