Isang karumaldumal na krimen ang bumulaga matapos ang pamamaslang sa pitong mga indibidwal.
Pitong empleyado ng isang bakery ang patay matapos ang nangyaring massacre sa Brgy. Cupang, Antipolo City, Rizal.
Batay sa impormasyon mula sa Police Regional Office 4A na hawak na nila ang suspek sa krimen matapos itong sumuko.
Agad naman itong dinala sa PNP Headquarters sa Camp Crame, Quezon City.
Ayon sa inisyal na salaysay ng suspek na nagawa niya ang krimen dahil pinagplanuhan umano ng mga biktima ang pagpatay sa kaniya.