Ipinag-utos ni US President Donald Trump ang pagpapatigil sa lahat ng military aid sa Ukraine.
Ayon sa isang White House official na malinaw ang pagnanais ni Trump na magbigay atensyon sa kapayapaan.
Dahil dito ay pinag-aaralan umano kung ang tulong mula sa Amerika ay nagiging daan sa pagbibigay ng solusyon sa nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Matatandaan na una ng nagkaroon ng mainitan na argumento si Trump kay Ukrainian President Volodymyr Zelenskiy.
Simula ng umupo si Trump sa posisyon noong Enero ay mas pinairal nito ang tila mas pabor na opinyon sa Moscow.