PHIVOLCS


Niyanig ng magnitude 5.5 na lindol ang Davao Occidental dakong alas-10:02 ngayong umaga ng linggo.

Ang episentro ng lindol ay naitala sa layong 235km Timog-Silangan ng Jose Abad Santos, Davao Occidental.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) may lalim itong 113km at tictonic ang origin.

Naitala ang instrumental intensity 1 ng lindol sa Kiamba, Sarangani.