LEGAZPI CITY- Nakapagtala ng apat na sunog sa iba’t ibang mga lalawigan sa Bicol region sa unang araw ng Fire Prevention Month.
Ayon kay Bureau of Fire Protection Bicol spokesperson Fire Senior Inspector Egar Tañajura Jr. sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na nakapagtala ng sunog kahapon sa Libon, Albay; Mercede, Camarines Norte gayundin sa Placer, Masbate at pinakamalaki ang naitala sa lungsod ng Legazpi kagabi.
Sa naturang sunog sa Legazpi City ay natupok ang nasa anim na mga kabahayan.
Ayon sa opisyal tumaas ng 26% ang insidente ng sunog na naitala sa rehiyon sa unang dalawang buwan ng taon.
Batay sa tala noong Enero hanggang Pebrero 2023 ay nakapagtala nin 94 fire incidents na tumaas sa kaparehong panahon ngayong 2024 na nasa 119 na insidente ng sunog.
Dahil dito sinabi ni Tañajura na patuloy ang pagpapaabot ng tanggapan ng fire safety awareness sa publiko upang maiwasan ang kaparehong mga insidente.
Samantala, pinag-iingat ng opisyal ang publiko sa paggamit ng mga appliances lalo na ngayong umiiral ang El Niño at posibleng mabilis na kumalat ang apoy.