LEGAZPI CITY- Isang aksidente ang nangyaring ngayong gabi lamang sa bahagi ng Upper Bonga, sa bayan ng Bacacay, Albay.

Ayon sa paunang ulat na nakalap ng Bombo Radyo Legazpi na tatlong mga kalalakihan ang nasangkot sa naturang aksidente na lulan ng motorsiklo.

Nagtamo naman ng sugat ang mga ito dahil sa insidente.

Nabatid na isa sa mga hindi pa nakikilalang biktima ang nawalan ng malay matapos magtamo ng malalang mga injuries.

Agad naman na rumespunde ang mga otoridad upang bigyan ng paunang lunas ang mga biktima.

Samantala, habang sinusulat ang balitang ito ay inaalam pa ang kabuuang detalye sa naging sanhi ng aksidente at ang pagkakakilanlan ng mga biktima.