LEGAZPI CITY- Isang motorized banca ang pinaghahanap ngayon ng mga kinauukulan sa lalawigan ng Catanduanes.

Ayon sa pahayag ng Baras MDRRMO, sinabi nito na lulan ng naturang berdeng motor banca ang tatlong mga mangingisda.

Nakilala ang mga ito na sina Joven Traqueña, Jack Traqueña, at Nacisso Traqueña.

Naglayag umano ang mga ito mula sa Bato, Catanduanes noong Hunyo 4 at inaasahang babalik kahapon subalit hindi pa nakakabalik hanggang sa ngayon.

Samantala, umaasa naman ang pamilya ng naturang mga mangingisda na ligtas na makakabalik ang mga ito.

Para sa mga may impormasyon ay maaaring makipag-ugnayan sa Bato MDRRMO.