LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng pamunuan ng Philippine Army na ‘killed in action’ ang dalawang sundalo sa nangyaring sagupaan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at tinatayang nasa 40 kasapi ng rebeldeng New People’s Army sa Barangay Daganas, Bulan, Sorsogon.
Nakilala ang mga nasawi na sina Cpl. Arnel Divinagracia at PFC Greyan Andus.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay 31st IB commander Lt. Col. Eric Culvera, nagpaabot ito ng pakikiramay sa pamilya ng dalawang sundalo na nagbuwis ng buhay matapos ang alos 45 minutong palitan ng putok.
Nabatid na namatay rin sa engkwentro ang isang babaeng rebelde na patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan, habang pinaniniwalaang maraming iba pa ang sugatan sa hanay ng mga NPA.
Narekober din sa pinangyarihan ng insidente ang M60 machine gun, M16 rifle, at ilang supersibong dokumento.
Naniniwala naman si Culvera na posibleng nagpa-plano ang naturang grupo na sumalakay at magdulot ng kaguluhan sa bayan upang ma-recover ang mga kasamahan nitong mga high value target.
Samantala nagdagdag naman ng pwersa ang mga sundalo sa lalawigan para sa nagpapatuloy na hot pursuit operation