LEGAZPI CITY- Binigyang pagkilala ng Police Regional Office 5 ang ilang mga pulis na nagpakita ng sigasig at galing sa kanilang serbisyo.
Kabilang sa mga ito ang dalawang babaeng pulis na tumulong sa pagtutulak ng isang pampasaherong jeep na nasiraan sa gitna ng kalsada sa Barangay Bagumbayan, Legazpi City.
Kinilala ang mga ito na sina Police Cpl. Nikki Joy Altares Aycocho at Police Cpl. Mae Armes Lanuza.
Matatandaan na una ng nakatanggap na papuri mula sa netizen ang ginawa ng naturang mga pulis dahil sa walang pagdadalawang isip na nagtulak ng naturang jeepney.
Ayon sa pahayag ng PNP Bicol na ang ginawa ng mga ito ay patunay lamang ng paggampan sa kanilang serbisyo publiko.