Nasawi ang nasa 16 na katawo sa pagtama ng Russian missile sa isang mataong mall sa Kremenchuk City sa Ukraine.
Tinawag naman ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na isa sa “most brazen terrorist acts” sa European history ang nangyari.
Nasa halos 60 ang naiulat na nasugatan sa insidente kung saan 25 ang nasa ospital.
Inaasahang madaragdagan pa ang bilang sa nagpapatuloy na rescue operation mula sa mga debris ng pag-atake na sinundan ng
pagkasunog ng gusali.
Nabatid na nasa higit 1, 000 ang mallgoers nang bumagsak ang missile.
Itinaon naman umano ang missile strike sa “busiest hour” ng mall, ayon pa sa Defence ministry ng bansa. (Agence France-Presse)