LEGAZPI CITY- Agad na nirespundehan ng mga kinauukulan ang isang 10-wheeler truck na na-stuck sa gilid ng kalsada sa bahagi ng Barangay Bulawan, Lupi, Camarines Sur.
Ayon sa impormasyon mula sa Land Transportation Office Bicol na may karga na nasa 2.3 tons ng dog food ang naturang truck.
Iniwasan umano nito ang nakatambak na mga lupa at bato sa lugar subalit lumagpas sa kalsada ang naturang truck at na-stuck sa gilid dahil sa maputik na bahagi ng daan.
Agad naman na nagpadala ng payloader sa pinangyarihan ng insidente upang matanggal ang mga debris na nakaka abala sa daloy ng trapiko.
Nabatid na agad naman na naibalik sa normal ang daloy ng mga sasakyan.