vehicular accident in Ligao City, Albay

LEGAZPI CITY- Agad na rumespunde ang mga kinauukulan sa naganap na aksidente nitong umaga sa Barangay Tuburan, Ligao City, Albay.

Sangkot sa naturang aksidente ang isang Ford vehicle at police mobile.

Ayon sa paunang imbestigasyon mula sa Bureau of Fire Protection Bicol na nasa 20 indibidwal ang nagtamo ng injuries.

Sa inisyal na ulat, apat ang nagtamo ng malalang injuries habang 16 ang nagtamo ng minor injuries.

Ang naturang mga biktima ay agad naman na naitakbo sa pagamutan.

Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa naturang aksidente.