LEGAZPI CITY – Nakakaranas na ng mahina hanggang katamtaman at kung minsan malakas na pag-ulan ang Albay at Camarines Sur sa kasalukuyan.

Sa inilabas na rainfall warning ng PAGASA alas 2:00 ng hapon ngayong Linggo, October 25, yellow rainfall warning ang umiiral sa mga naturang lalawigan.

Inuulan rin ang Catanduanes, Sorsogon, Masbate, Camarines Norte at Northern Samar na inaasahang magtutuloy-tuloy sa mga susunod na oras.

Pinag-iingat ang mga residente na nakatira sa low-lying areas na malapit sa mga ilog sa posibleng pagbaha.

Maaari rin itong makapagpaguho ng lupa sa bulubunduking lugar.

Ang naturang pag-ulan ay dulot ng Bagyong Quinta na papalapit na sa Catanduanes-Albay area.