LEGAZPI CITY – Walo ang panibagong nagpositibo sa COVID-19 na naitala sa Bicol.

Batay sa tala mula sa Department of Health (DOH), nasa 2,130 na ang nakumpirmang positibo sa COVID-19 kaya’t nasa 286 na rin sa ngayon ang aktibong kaso.

Anim sa mga bagong kaso ang mula sa Albay partikular na ang tatlo sa lungsod ng Legazpi at tatlo rin sa Daraga.

Isa sa mga naitala ay mula sa Camarines Sur habang ang isa pa ay mula naman sa Bulusan, Sorsogon.

Nasa 20 rin ang panibagong recoveries kaya’t nasa 1, 751 na ang kabuuang bilang ng gumaling.

Subalit dalawa naman ang panibagong nadagdag sa mga nasawi kung saan nasa 93 na ang COVID-19 deaths.