Ibinunyag ni Vice President Sara Duterte ang ilang plano sa politika ng mga miyembro ng kaniyang pamilya.

Ayon sa bise presidente na tatakbo sa pagka-Senador sa 2025 midterm poll ang na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Maliban sa ama ay plano rin ng mga kapatid nito na si Davao City Mayor Sebastian ‘Baste’ Duterte at Davao City First District Representative Paolo Duterte na subukan ang kanilang swerte sa Senatorial bid.

Matatandaan na muling naging maingay ang pamilya Duterte dahil sa pagtyligsa nito sa Marcos administration.

Ito rin ang isa sa mga tinitingnan na dahilan na sa pagbibitiw ni Vice President Sara sa gabinete ng running mate nito na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.