Inanunsyo ng Commission on Elections (COMELEC) ang resumption ng voter registration sa Hulyo 4 hanggang Hulyo 23.
Kaugnay ito ng paghahanda sa halalan sa Barangay and Sangguniang Kabataan (SK) na isasagawa sa Disyembre 5.
Ayon kay Comelec acting spokesperson Atty. Rex Laudiangco, kailangang bigyan ng sapat na oras ang marami pang aktibidad at requirements ang komisyon.
Noong Mayo 2018 pa huling nagsagawa ng Barangay at SK elections.