Kinumpirma ng Korte Suprema na naghain si Vice President Sara Duterte ng petition for certiorari and prohibition laban sa kinakaharap niyang impeachment.

Ito ay upang kwestyunin ang bisa at constitutionality ng ika-apat na impeachment complaint laban sa kaniya na nai-transmit ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Matatandaan na inakusahan ang pangalawang pagulo ng paglaban sa konstitusyon, betrayal of public trust, graft and corruption at iba pa.

Kahapon lamang ng magtungo rin sa Supreme Court ang ilang mga Mindanawon Lawyers upang ipanawagan ang pagpapatigil sa impeachment laban kay Vice President Duterte.