LEGAZPI CITY – Nagbabala ang isang veterinarian sa mga pet owners na bantayan ang kalusugan ng kanilang mga alagang hayop dahil sa mga sakit na pwedeng makuha ngayong mainit ang panahon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Dr. Pancho Mella an Albay Provincial Veterinary Officer, hindi lamang tao ang posibleng makaranas ng heat stress at heat stroke subalit maging ang mga hayop.
Kasama sa mga senyales ng heat stress sa hayop ay hirap sa paglalakad, paghihingal, panghihina at pag-init ng katawan.
Sakaling makitaan ng mga senyales ang alaga, agad itong painomin ng tubig, lagyan ng basang twalya ang katawan at alisin sa mainit na lugar.
Sakaling hindi pa rin umayos ang kanilang kondisyon ay dapat na dalhin na ito sa beterinaryo.
Binigyang diin ni Mella na responsibilidad ng mga pet owners ang kalusugan at buhay ng kanilang mga alaga