Tumaas pa ang utang ng Pilipinas sa P15.35T sa pagtatapos ng buwan ng Mayo.
Base sa datos ng Bureau of the Treasury, mas mataas ito ng P330.39 billion o 2.2% kung ikukumpara sa P15.017 trillion noong nakalipas na Abril.
Epekto ito ng patuloy na pagbaba ng halaga ng piso kontra dolyar.
Base sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas, nasa P58.52 na ang halaga ng piso kapalit ng isang dolyar.
Mas mababa ito kung ikukumpara sa P57.58 para sa isang dolyar noong Abril.