Nadagdagan pa ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho noong Hulyo 2024.
Batay sa tala ng Philippine Statistics Authority ay tumaas sa 4.7% ang unemployment rate sa naturang buwan.
Katumbas ito ng 2.38 million na mga Pilipino na walang trabaho, na mas mataas kumpara sa 1.62 million na jobless Filipinos noong Hunyo.
Ayon sa PSA na posibleng dahilan nito ang paghina ng demand sa trabaho ng ilang sektor na naapektuhan ng masamang lagay ng panahon at ang pagdami ng bilang ng mga fresh graduates na hindi pa nakakapasok sa trabaho.