LEGAZPI CITY-Itinaas ang Signal No. 1 sa Camarines Norte, hilagang bahagi ng Camarines Sur partikular sa C
Ayon kay Weather Specialist Christian Allen Torevillas, nasa dagat pa rin silangan ng Aurora ang Tropical Depression Crising sa layong 335 km sa silangan ng Virac Catanduanes o 545 km sa silangan ng Baler Aurora.
Taglay nito ang hanging 55 kilometro kada oras (kph), pagbugsong 70 kilometro kada oras (kph) at bilis na 30 kilometro kada oras (kph).
Nagbabala rin ang opisyal na mag-ingat sa posibleng malakas na hangin at pagguho ng lupa.
Sa kasalukuyan, dahil sa Southwest Monsoon o ‘Hanging Habagat, ang Camarines Norte at Camarines Sur ay makakaranas ng malakas na pag-ulan na 100 – 200 mm at 50 – 100 mm sa Albay partikular na sa Masbate, Sorsogon at nalalabing bahagi ng Bicol Region.
Posible rin aniya ang malawakang pagbaha, pagguho ng lupa, at pagapaw ng tubig na malapit sa ilog.
May posibilidad ding tumaas ang signal warning sa Northern Luzon habang papalapit ang bagyo.
Ang Typhoon Crising ay posibleng mag-landfall sa Cagayan at kumikilos patungo sa kanlurang Luzon.
Inaasahang lalabas din ito sa Philippine Area of Responsibility sa Sabado ng hapon.
Samantala, mayroon nang mga ulat ng pagbaha sa Masbate at binabantayan ito ng mga awtoridad.
Pinayuhan din ng opisyal ang lahat na patuloy na maging updated sa kasalukuyang rainfall warnings sa mga lugar at abangan ang susunod na bulletin ng PAGASA ngayong alas-11:00 ng gabi.