US President Donald Trump

Sinabi ni US President Donald Trump na sumang-ayon siya sa pagkakaroon ng dalawang linggong tigil-putukan sa Iran.

Ang naturang anunsyo ay ginawa ilang oras bago ang deadline ng ibinigay nitong ultimatum sa Tehran upang muling buksan ang Strait of Hormuz.

Matatandaan na unang nagbabala si Trump na magkakaroon ng malawakang mga pag-atake sa mga civilian infrastructure ng Iran.

Kapalit umano nito ang agaran at ligtas na pagbubukas ng Strait of Hormuz.

“This will be a double sided CEASEFIRE!” saad sa post ni Trump.

Dagdag pa ni Trump na natanggap nila ang 10-point proposal ng Iran na posibleng maging basehan ng mga negosasyon.