LEGAZPI CITY-Magdadala ng malalakas na pag-uulan ang Tropical Depression “Wilma” at epekto ng Shearline sa Bicol Region sa mga susunod na araw.
Ayon kay Masbate Weather Specialit Christian Allen Torevillas, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na sa ngayon habang mabagal ang galaw at tinatahak nito ang karagatan papuntang East ng Northern Samar, nakataas na ang Wind Signal No. 1 sa Southern Portion ng Mainland Masbate.
Kasama rito ang Cataingan, Pio V. Corpuz, Esperanza, at Placer.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 575 km East ng Catarman, Northern Samar, kumikilos papuntang West southwestward sa bilis na 10 km/h, at may lakas ng hangin an umaabot sa 45 km/h malapit sa sentro at pagbugso na nasa 55 km/h
Asahan rin ang malalakas na paguulan sa loob lamang ng 36 oras.
Ayon sa Weather Specialist, posibleng mag-landfall ito sa Eastern Visayas o Dinagat Island pagsapit ng linggo ng umaga.
Posible rin na tumaas o bumaba ang paggalaw ng bagyo.
Bagama’t may epekto ng bagyo at dulot ng Shearline, magdadala ito ng malalakas na pag-uulan sa halos buong Bicol Region na umaabot ng 100-200 mm ngayong araw hanggang bukas kasama na ang Albay, Camarines Sur, Sorsogon, at 50-100 mm naman sa Masbate.
Asahan rin, aniya, ang pagbabaha lalo na sa mga urbanized at low lying areas.
Hinihikayat ng opisyal ang lahat na patuloy na maging updated sa mga impormasyon at makipag-ugnayan sa mga local disaster risk reduction and management office para sa rainfall warnings tungkol sa nasabing shearline at bagyo.











