LEGAZPI CITY – Matatanggap na ng aabot sa 1,000 local farmers sa bayan ng Camalig ang fertilizer assistance sa loob ng tatlong araw na distribusyon sa Bungkaras Gymnasium, Brgy. 2, Poblacion.
Ayon sa Camalig Public Information Office, sa pakikipag-ugnayan ng lokal na pamahalaan sa Department of Agriculture (DA), papangunahan ng Municipal Agriculture Office (MAO) ang pamimigay ng Triple 14 Complete Fertilizers na kayang maabot ang 628.29 hectares ng lupa.
Binibigyan din ang mga magsasaka ng opurtuniidad na mamili ng klase ng pataba na akma sa pangangailangan ng kanilang taniman.
Samantala, sa pamamagitan ng support the province’s agricultural community, ang mga magsasaka mula sa bayan ng Guinobatan na may taniman sa bayan ng Camalig ay makakatanggap rin ng asistensya.
Dagdag pa ng LGU Camalig na ito ay batay sa 12-point Executive Agenda kung saan nilalayon na mas mapaganda pa ang ani ng mga magsasaka at mapag-tibay ang food security ng bayan.