Jeepney-Vehicle
Jeepney-Vehicle

LEGAZPI CITY—Nanawagan ang transport group sa Bicol sa Department of Transportation na huwag nang alisin ang fuel subsidy para sa mga driver ng pampublikong transportasyon.

Ayon kay Sorsogon Integrated Transport Federation President Ramon Dealca, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, kung may fuel subsidy na inilaan ang gobyerno, madali rin mailalaan ang pondo sa transport groups sakaling tumaas ang presyo ng mga produktong petrolyo.

Dapat aniya na agad na gumawa ng hakbang ang mga kinauukulang ahensya upang maipamigay ang fuel subsidy dahil mapapansin din nila ang patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo sa bansa.

Nanawagan din ang kanilang grupo sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board Bicol na gumawang paraan upang maiparating sa pambansang ahensya ang mga hinaing ng sektor ng transportasyon sa Bicol.