LEGAZPI CITY- Kasabay ng ika-18 taon na anibersaryo ng Super typhoon Reming ngayong araw , inalala ito ngayon ng mga naging biktima ng nasabing bagyo sa barangay Padang, Legazpi City.
Sa nasabing barangay kasi ay naitala ang 75 casualties, 130 na mga nawawala at 21 unidentified.
Nagkaroon ng misa sa Padang Memorial Shrine na dinalohan ng mga pamilya ng mga naging biktima ng bagyo at saka nagsindi ng kandila.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Annfe Balino, isa sa mga Survivor sa nasabing malakas na bagyo, hindi nito malimutan ang pag-akyat ng kanilang pamilya sa bobong ng bahay para maisalba ang kanilang mga sarili.
Kwento nito na bago pa man magragasa ang baha ay may naamoy itong abo na pinaniniwalaang nanggaling sa Bulkang Mayon.
Sa ngayon ay nakatira na sila sa ressetlement site ng barangay Taysan Legazpi City.
Kung babalikan, nanalasa sa buong Pilipinas partikular na sa Albay ang Super typhoon Reming noong Nobyembre 30, 2006 kung saan libo- libong katao ang namatay.