Ipinamalas ng Strong Group Athletics Philippines ang tunay na lakas nito at nasungkit ang kampeonato sa 43rd William Jones Cup.

Tinalo kasi ng Pilipinas sa pamamagitan ng kanilang overtime win ang Chinese Taipei-A, sa score na 83-79.

Kapwa naging mainit ang opensa at depensa ng dalawang koponan subalit nanaig pa rin ang Strong Group Athletics.

Nanguna sa panalo ng koponan si DJ Fenner na nakapagtala ng 15 points, 9 rebounds at apat na steals habang si RJ Abarrientos naman ay nag-ambag ng 14 points.

Ang Strong Group ang ika-pitong koponan ng Pilipinas na nag-kampeon sa Jones Cup na huling nasungkit ng bansa noong 2019.